Jan 3, 2011

Walang Kasiguraduhan

Minsan naaalala ko pa rin,
Mga oras na pinagsamahan natin.
Puno ng saya at tawanan,
Kung may problema man ay agad ring nawawalan.

Minsan nagkakaroon tayo ng argumento,
Pero marami ka namang solusyon nito.
At kung ito’y parang medyo komplikado,
Hindi ka na sa akin pa nakikipagtalo.

Pinapalakas mo ang loob ko sa tuwing ako’y nanghihina,
Pinapasaya naman kita bilang ganti sa lahat ng iyong ginagawa.
Sabi mo nga na sa araw-araw na tayo’y magkasama,
Mas minahal mo ako dahil sa mga maliliit na bagay na aking ipinapadama.

Ngayon kay sakit isipin na mamumuhay tayong malayo sa isa’t isa,
Ngunit nais kong tanggapin natin na ang mundo ay mahiwaga.
Hindi natin alam kung bakit, hindi natin alam kung kailan,
Meron kang sariling buhay at ako rin naman.


Gawa Ni: AK®
*01-28-09*

0 comments:

Post a Comment

 
;