Jan 4, 2011

Buwang Nakalipas

Isang buwan matapos ng ika'y masilayan,
Harap-harapang nalapitan at nakamayan.
Nagpakilala at sinabing iniidolo kita,
Ika'y nagpasalamat at may magandang ngiti sa mukha.

Di ko akalaing ito'y mangyayari,
Dati pangarap at minimithing sandali.
Laking pasasalamat at ako'y pinagbigyan,
Paghanga ko sayo'y iyo pang dinagdagan.

Walang kasiguraduhan kung kelan ka makikita muli,
Pinapangarap na sana buwan-buwan, dito ay may gig.
Nakakatawang isipin dahil alam kong imposible,
Kaadikan nga naman, sabi ng marami.

Sana sa muling pagkikita ako'y maalala,
Pangalan mo'y isisigaw ng malakas sa madla.
Mapamalayo o malapit, hinding-hindi mahihiya,
Susuporta't ipagmamalaki dahil ako'y SOLIDONG tagahanga.


Tula para sa aking iniidolo na si Yeng Constantino..:) Nagawa ko toh, month after ng una ko cyang nkilala ng harap-harapan..:) saya netoh..:)

Gawa Ni: AK®
*03-08-09*

0 comments:

Post a Comment

 
;