Jan 4, 2011

Iba-Iba

Ang ating mundo ay puno ng kulay,
maaaring itim, puti o pula,
minsan berde, dilaw o bughaw.
Kaya silipin, tignan at mamangha,
haraping nakangiti ang bawat umaga,
pwdeng bukas o sa makalawa ay mabago na,
O kaya pagsapit ng dilim ito'y mawala.

Bawat oras ay napakahalaga,
Maraming bagay nangyayari at mangyayari pa.
Pahalagahan ang bawat sigundo,
Isapuso mga natutunan at wag kalimutan.
Hindi tayo mananatili rito habangbuhay,
Dahil darating ang panahon at oras,
Na tanging Panginoon lang ang may takda.

Binigyan tayo ng pagkakataon,
Mabuhay ng malaya at sa kanya'y naaayon.
Nasasayo kung magiging mabuti ka,
O pipiliing maging masama.
Bawat desisyon sayo manggagaling,
Mga salitang bibitiwan ay dapat isipin,
Responsibilidad mo ang mga hakbang na tatahakin.



Gawa Ni: AK®
*09-26-10*

0 comments:

Post a Comment

 
;