Jan 11, 2011

Ina sa Anak

Isang tinig na pumukaw sa pagkakahimbing,
Dulot sa tenga neto'y pagkabiglang iling,
Ngunit pagmulat ay ngiti ang hatid,
Sa taong matagal na palang di nakapiling.

Ikaw nga, sambit ng utak.
Dali-daling lumapit at sayo'y yumakap.
Bakas sa mata mo ang pagsisisi't luha,
Ngunit nangingibabaw ang pagkasabik at tuwa.

Titigan sa mata'y kay lalim,
Panay haplos sa mukhang animo'y may dumi.
Patak ng luha'y di na mapigil,
Dahil sawakas ay nakita kang muli.

Mukha mo'y may bahid ng pagkahiya,
Nais magpaliwanag, ngunit di alam san magsisimula.
Patawad, iyong mahinang bulalas.
Isang napakagandang ngiti, sukli ng ina.



Gawa Ni: AK®
*01-11-11*

0 comments:

Post a Comment

 
;