Apr 28, 2011 0 comments

- Magkaibigan -

Sadyang pinagtagpo ng tadhana,
May iba't ibang kinaugalian,
Iba-iba ang pinagmulan,
Pero pinagbuklod para maging magkaibigan.

Ilang buwan at taong magkakasama,
Nalaman pagkakapareho't pagkakaiba,
Tinanggap kung anu't sino ka,
Naging kampanti agad sa isa't isa.

Mag-iisip ng magiging tawagan,
Mapamaganda o korny pa man,
basta't may koneksyon o anu man,
Sasang-ayon kahit anu pa yan.

Tawanan dito, tawanan doon.
Iyakan dito, iyakan doon.
May karamay ka na sa kahit anung sitwasyon,
Pagmayproblema man may mapaghihingahan ng loob.

Higit pa sa kapatid ang turingan,
Sanggang dikit ika nga ni Juan.
Ipagtatanggol ka kahit kanino,
Reresbak kahit saang gulo.

Sa paglipas ng panahon,
Samahan ay tumatag at buo.
Magkaasawa't magkaanak di magbabago,
Pangako sa isa't isa ay hanggang sa dulo.

Minsan may hindi pagkakaunawaan,
Iniintindi nalamang para di na lumala,
Maaayos din yan bukas o sa makalawa,
Parang wala lang nangyari diba?

Samahan na ito'y walang tatalo,
Bumaha o bumagyo, kahit magunaw ang mundo.
Lahat gagawin para sa bawat isa,
Para lahat ay lumigaya.

Samahang ito'y walang makakasira,
May lumayo man o makilalang iba,
Matututunang tanggapin para sa ikabubuti nya,
Mananatili sa puso magpakailanman.


Gawa Ni: AK®
 
;