Jan 3, 2012 0 comments

- Payong -

Umaraw man o umulan,
lagi kang nariyan.
Walang maririnig na reklamo,
o kaya'y mura galing sayo.

Mabilad ka man sa araw,
kahit ilang oras pa yan.
Serbisyo mo'y agad-agad,
wala kang katulad.

Kahit gabi walang pahinga,
handang sumugod kahit umulan pa,
mabasa'y walang pag-aalinlangan
tutulungan ka sa anumang paraan.

Tatahimik lang yan sa isang tabi,
kung saan mo siya iniligpit.
Mag-aantay kung kailan gagamitin,
nakaalerto lang siya lagi.

Minsan bigyan natin ng halaga,
tulong nila'y malaking bagay na.
Kaya huwag nating iwan saan-saan,
hirap kapag ika'y nawalan.


Gawa Ni: AK®
Jan 1, 2012 0 comments

- Balik Tanaw -

Isang taon na naman ang nagtapos,
labindalawang buwan ang ginugol,
mga bagay na masaya at malungkot,
na magbibigay sayo ng lakas ng loob.

Ating sariwain at balikan,
nangyari'y parang kahapon lang,
naiiyak sa mga dumating na problema,
ngingiti kasi marami pa rin ang saya.

Sa pagsalubong ng bagong taon,
Tayo'y magpasalamat sa Panginoon,
galing sa kanya lahat ng meron tayo,
kaya matuto tayong pahalagahan yun.


Gawa Ni: AK®
 
;