Jan 1, 2012

- Balik Tanaw -

Isang taon na naman ang nagtapos,
labindalawang buwan ang ginugol,
mga bagay na masaya at malungkot,
na magbibigay sayo ng lakas ng loob.

Ating sariwain at balikan,
nangyari'y parang kahapon lang,
naiiyak sa mga dumating na problema,
ngingiti kasi marami pa rin ang saya.

Sa pagsalubong ng bagong taon,
Tayo'y magpasalamat sa Panginoon,
galing sa kanya lahat ng meron tayo,
kaya matuto tayong pahalagahan yun.


Gawa Ni: AK®

0 comments:

Post a Comment

 
;