Oct 25, 2011 2 comments

a - e - i - o - u

Mataas o kaya mababa,
Sasayaw ba o kakanta,
Bata ka man o matanda,
Malungkot ka ba o masaya.

Gatas kaya o kape,
Bulaklak ba o tsokolate,
Magkumare o kumpare,
May himala o swerte.

Sa pula o sa puti,
Tama ba o mali,
Babae kaya o lalaki,
Umaga man o gabi.

Ikaw ba o ako,
Malapit ba o malayo,
Barong o kaya kimono,
Ingles man o Filipino.

Muslim o Hindu,
Mapaisa o sampu,
Sultan man o datu,
Si Magellan o Lapu-lapu.


Gawa Ni: AK®
Oct 19, 2011 0 comments

- Totoo -

Sana ako'y mapansin,
kahit sa isang simpleng tingin.
Siguro ako'y hihimatayin,
pero wag mo akong alalahanin.

Ako'y napapasayaw kahit walang musika,
iisiping magaling kahit parehong kaliwa ang paa.
Mapapakanta kahit sa tunog lang ng daliri,
iisiping ako'y nasa tono kahit hindi.

Hindi naman siguro lingid sayo,
na ikaw ay gusto ko.
Sasabihin ko na sayo ng diretso,
baka kasi makuha ka pa ng kung sino.

Kahit nakatikom man aking bibig,
matang kumikislap ay di maikubli.
Kung ang iniisip ko'y kaya mong basahin,
tiyak magtatago na ako sa isang tabi.

Pwede naman siguro na ako na ang mauna,
nararamdamang nais ko nang ipadama.
Matagal na ito kung nais mong malaman,
wala lang lakas ng loob na sayo'y ipaalam.

Pag-amin ko siguro'y ikagugulat,
reaksyon mo'y di nais masaksihan,
Pero tatanggapin sagot mo kahit anu pa yan,
ayos lang kahit ako'y masaktan.

Mahal lang kita kaya nagkaganito,
nararamdaman ko'y di na maitago.
Hirap lang kasi magkunwari,
harapin ka na kaibigan lang ang turing.


Gawa Ni: AK®
 
;