Apr 17, 2013 0 comments

- Doble Kara -


Kay linis ng iyong damit,
kasing puti ng langit,
ngunit ugaling kay rumi,
makasalanang nabalot sa sarili.

Itong isa nama'y kay dungis,
itsura'y kasing itim ng putik,
ngunit kalooban ay kay bait,
puso niya'y kapuri-puri.

Minsan ganyan ang tao,
hindi mo alam ang totoo,
hindi sukatan ang panlabas na anyo,
huwag maniwala kani-kanino.

Palibhasa kay bilis manghusga,
hindi basihan ang itsura,
kabahan ka kung nakapustura,
yun pala'y mapagsamantala.


Gawa Ni: AK®
0 comments

- Epal Mode -


Hindi naman bulag,
pero ba't di nakita,
pag-aakala'y ako na,
pero kaibigan ko pala.

Sana nama'y sinabi mo,
inamin kung sino,
para hindi na nabuo,
pag-ibig sa aking puso.

Paano mabubura,
paano mawawala,
hirap iwasan,
hirap kalimutan.

Ansaya nyo kasi tignan,
habang nagkakatuwaan,
pasensya kung papasok bigla,
ako rin ay makikitawa.

:))

Gawa Ni: AK®
 
;