Apr 17, 2013

- Doble Kara -


Kay linis ng iyong damit,
kasing puti ng langit,
ngunit ugaling kay rumi,
makasalanang nabalot sa sarili.

Itong isa nama'y kay dungis,
itsura'y kasing itim ng putik,
ngunit kalooban ay kay bait,
puso niya'y kapuri-puri.

Minsan ganyan ang tao,
hindi mo alam ang totoo,
hindi sukatan ang panlabas na anyo,
huwag maniwala kani-kanino.

Palibhasa kay bilis manghusga,
hindi basihan ang itsura,
kabahan ka kung nakapustura,
yun pala'y mapagsamantala.


Gawa Ni: AK®

0 comments:

Post a Comment

 
;