Jan 3, 2011

Sana Ako Siya

Mahalin ka ay parang isang napakabigat na desisyon,
Ang dali mong napalapit at di man lang namalayan ng puso ko.
Cguro iniisip mong naguguluhan lang ako at nalilito,
Pero gusto kong malaman mo na matino pa ang pag-iisip ko.

Simple lang naman kaya kita minahal,
Hindi ka naman kagwapuhan gaya ng inaasam ng karamihan,
Hindi ka naman masyado matalino pero may sense ka naman kausap,
At hindi pilit ang tawa mo kundi natural para mapasaya ako.

Ayaw ko mang mainlove sayo ng lubusan,
Pero di ko maiwasang mahulog sayo ng tuluyan.
Ang tagal ko ng itinatago ito,
At ngayon gusto ng sumabog at kumawala ng buong-buo.

Alam kong kayhirap nitong tanggapin,
Mahal kita pero mahal mo cya,
Kaibigan kita at kaibigan ko rin cya,
Ba't parang pinaglalaruan ata tayo ng tadhana.

Sana hindi na lang tayo naging magkaibigan,
Para malaya kong maipahayag sayo ang aking nararamdaman.
O kaya naman sana hindi ko rin cya naging kaibigan,
At para hindi na ako ngayon nasasaktan.


Gawa Ni: AK®
*01-25-09*

0 comments:

Post a Comment

 
;