Jan 3, 2011

Saloobin

Inaakalang ang araw ay sisikat,
Kikislap at magbibigay liwanag.
Sa buhay kong nabalot sa kadiliman,
Kung saan kahirapan ang dahilan.

Akala ko'y pwde ng kumawala,
Lumipad tulad ng isang ibong malaya.
Ngunit bakit pilit hinahampas ng hangin,
Kinakadena ng kahapong ayaw tantanan.

Bakit ganito ang buhay,
Mahirap ka na nga, dinidiin pa.
Sadyang napakadaya naman,
Kay lupit mo talaga.

Sana'y marinig ang diwang nais ipahiwatig,
Maghari sa puso ang ligayang nais makamit.
Sa gayun ay mapawi ang luha't pagkamuhi,
At magliyab ang sinag ng kaginhawaan sa daigdig.


Gawa Ni: AK®
*06-27-09*

0 comments:

Post a Comment

 
;