Jan 4, 2011

Magulang

Bigay kayo ng Maykapal,
Para sa aming mga anak.
Upang kami'y palakihin at alagaan,
Sa wasto ninyong pamamaraan.

Simula't umpisa pa ng aming buhay,
Kayo na ang naging karamay.
Sa bawat problemang aming nadadaanan,
Lagi kayong nariyan na umaalalay.

Sa mga oras na nagkakamali,
Handa kayong umunawa at umintindi.
Walang sinumang makakahigit,
Sa pagmamahal ninyong walang kapalit.

Alam ng Diyos na kami'y nagpapasalamat,
Sa lahat ng bagay na inyong ginawa.
Sa pagmamahal na walang hanggan,
At pag-aalaga ng habangbuhay.

Kapalit ng lahat ng ito,
Gusto naming sabihin na mahal namin kayo.
At hindi namin kakalimutan,
Ang inyong mga pangaral magpakailanman.


Gawa Ni: AK®
*02-15-05*

0 comments:

Post a Comment

 
;