Jan 17, 2011

- Alas 12 -

Alas 12 na ng gabii,
Nakatunganga lang sa isang tabi.
Nakatingin at nakatitig sa langit,
Na wari'y isang malawak na hardin.

Ang sarap lumipad,
Na parang ibong kumawala sa ulap,
na nais abutin ang kalangitan,
upang ang araw ay makamtan.

Pero bakit ganito ang buhay,
nakabalot sa gabing kay dilim,
parang butas ng karayom,
na kay hirap pasukin.

Buti pa ang mga bituin,
naglalakbay san man nila gustuhin.
walang kukuntra khit anumang gawin.
masaya lang at walang proproblemahin.

kelan kaya magiging katulad nila,
Gusto ko lang maging malaya.
masaya at walang iniintinding problema,
kasing himbing ng tulog na walang katulad.



Gawa Ni: AK®
*01-16-11*

0 comments:

Post a Comment

 
;