Jan 13, 2011

Isang Araw

Napapadungaw sa sasakyan,
Nagbabakasakaling ika'y masilayan.
Sa lugar kung saan ika'y bumaba
At lugar kung saan huli kang nakita.

Kelan kaya ulit magtatagpo,
Iisang rota na papuntang ponciano.
Masusulyapan kaya ulit ang ngiti mo,
At maririnig ang salita mong dko alam kung ano.

Paano nga kaya?
Kung isang araw magkasabay na lang bigla.
Hahayaan bang lumayo ka ulit at bumaba?
Tulad nung una tayong nagkita.


Gawa Ni: AK®
*01-12-11*

0 comments:

Post a Comment

 
;