Jan 3, 2011

Petisyon

Minsan may mga araw na dumaan,
Sinisisi ang aking sarili,
Ano ba ang kasalanan?
May nagawa bang kamalian.

Buong oras at panahon ko,
Sa iyo lamang nakasentro.
Lagi ka na lang naiisip,
Ninanais na ika'y makapiling.

Laging may lungkot,
Lagi na lang umiiyak.
Lagi ring umaasa,
Pero pakiramdam ko'y katapusan na.

Ayaw kong mag-isa,
Gusto ko'y makasama ka.
Ayaw ko ng mahirapan,
Sana'y bumalik ka na.

Ang puso ko ay para lang sayo,
Pero ngayon akin ng napagtanto.
Binuksan aking puso't isipan,
Na kailanman, hindi na mabubuo.


Gawa Ni: AK®
*10-08-10*

0 comments:

Post a Comment

 
;