May 29, 2011

- Tula -

Pinupulot bawat letra,
Pinagtagpi-tagping mga salita,
kumakawala sa utak,
parang mga ibon sa ulap.

Bawat salita'y pinag-iisipang mabuti,
Kung ito ba'y babagay o hindi,
minsan kusa na lang nabubuo,
swak agad bawat dulo.

Bawat tula ay parang pag-ibig,
Hindi mo mawari kung bakit,
bigla bigla na lang lumilitaw,
nararamdaman mo'y kusang sumisingaw.

Katulad din ng isang balita,
kumakalat na lang bigla,
nakakarating saan mang kanto,
nililipad gamit ang bibig ng kung sino.

Parang buhay lang din natin,
minsan mahirap at minsan madali,
minsan masaya at minsan hindi,
hawak mo kung anuman ang mangyayari.

Tulad ng isang tula,
ikaw lang may kakayanan,
isulat ang iyong gusto o maisipan,
kung paano mo tatapusin ang nasimulan.



Gawa Ni: AK®

2 comments:

Anonymous said...

Ayos HUBBY... Hahahah! Lagyan mo nalang ng chords tsaka tempo. hahah! miss you! :-*

Reyn said...

@Janine: di man lng nilagyan ng name..:D tnx hubby, miss din kta.. di kna ata nag.aadik ha, pro lam ko nmn n kay Lord God ka nag.aadik ngaun..:D ingatz ikaw lagi pati n din kay Ati, hello mo ako ha.. salamat sa pagbabasa..:)

Post a Comment

 
;