May 9, 2011

- Bigkas -

Pansin mo ba?
kanyang mga kataga,
kay sarap pakinggan,
pati kaluluwa'y napapalundag.

Susungkitin daw mga bituin,
para ika'y mapasaakin.
Lalakbayin ang pinakamataas na bundok,
mapatunayan lang na ikaw ang tinitibok.

Puso kong matagal nang naghahanap,
sinta kong kay tagal na pinangarap.
Marinig lang matamis na "Oo",
hinding hindi ka mabibigo.

Pagsinagot mo na,
ilang buwan ay maayos pa.
Malalaman mo na lang bigla,
matatamis na salita ay sinawalang bahala.

Pag-aktong iiwan mo na,
ayan na naman si makata.
Sisisirin daw ang karagatan,
huwag ka lang lumisan.

Hanep itong si Juan kung magsalita,
parang sasali lang sa balagtasan.
May paluhod-luhod pang nalalaman,
animo'y aktor sa pelikula.

Kaya ikaw huwag papadala,
mga matatamis na salitang bigkas niya.
Maaaring maganda sa iyong pandinig,
marami na rin pala kayong pinakilig.


Gawa Ni: AK®

1 comments:

Anonymous said...

sapol...:D

Post a Comment

 
;