May 2, 2011

- Eh Kasi Naman -

Sino ba ang may sabing mahalin ka?
kung alam ko namang may mahal kang iba.
Sinu ba ang may sabing magpakatanga?
kahit alam ko naman na walang mapapala.

Pero ayos na rin ang ganito,
mapansin mo lang masaya na ako,
kahit nga ngiti ay kontento na ako,
lalo pa kung ako'y lalapitan mo.

Hindi na ako hahangad pa ng sobra,
kasi alam ko namang hindi uubra,
kahit pa ilang beses magnovena,
kung ang laman naman ng puso mo ay iba.


Gawa Ni: AK®
05-01-11

0 comments:

Post a Comment

 
;