May 2, 2011

- Bungad -

Sa bawat pagdating ng dapit hapon,
kasunod nito ay kadilimang babalot,
hindi ibig sabihing lalamunin ito ng lungkot,
dahil kinabukasan ay may liwanag na sasakop.

Ngumiti at harapin ang umaga,
sandaling manalangin at magpasalamat,
Panginoon naman kasi ang may alam ng lahat,
ibibigay naman sayo ang nararapat.

Kung di man maganda ang simula,
wag kang malugmok o madismaya,
manatiling positibo sa lahat ng gagawin,
sasaya ka rin kung iyong nanaisin.

Hindi naman kasi laging maginhawa,
dadaan ka rin sa hirap o problema,
isipin mo lang na ito'y pagsubok,
para lalo kang tumibay at hindi susuko.



Gawa Ni: AK®
05-02-11

0 comments:

Post a Comment

 
;