Jul 11, 2011

- Sigaw -

Sumabog na lang bigla,
Bibig na walang preno sa kakadada,
Ingay niyang walang patutunguhan,
Dahil sa asawang buong araw gumala.

Pati dumaan ay sinisigawan,
Tumatawang mga bata ay nagtakbuhan.
May kumpareng nais sanang umareglo,
Binulyawan lang siya't problema daw nila ito.

Hinagis mga plato at kawale,
Mga tsimosa'y palingon-lingon kunwari,
Tama na, sambit ng lalaki,
Bakas ang pagkahiya at di na raw mauulit.

Nakita kasi siya ng isang kumare,
Nakipag-inuman sa kanto at may kasamang babae.
Kaya pala nanggigigil itong si misis,
Parang dragon na umuusok sa galit.

Kaya panay tanggi itong si mister,
Kahit pa raw ihampas ang ulo niya sa pader,
Konting suyo't kiliti lang pala katapat ni kumander,
Marami pa tuloy nagliparan sa ere.


Gawa Ni: AK®

0 comments:

Post a Comment

 
;