Jul 29, 2011

- Wagas -

Habang papalapit,
lalong nananabik.
Masilayan kang kumakanta,
lubos sana ang tuwa.

Ngunit luha'y di paawat,
di mapigilan ang pagpatak.
Mata'y namumula,
hapdi ang dala.

Mga komentong nagkalat,
sabik sa darating na rakrakan,
napakaimportanteng araw,
hindi ko pa mapuntahan.

Tengang pilit na umiiwas,
sa mga kanta mong di mabura sa utak.
Lalo kasing nanghihinayang,
minsan nga ay nakakaurat.

Nakakapanghina kasi ng loob,
puso'y nabalot ng lungkot.
Nag-intay din ng ilang taon,
at ngayon di pala makanood.

Pero wag isiping hindi ako masaya,
wala ng hihilingin pa ang isang tagahanga.
Wagas aking kasiyahan sa mga biyaya,
na ipinagkaloob sayo ng Diyos Ama.

Sa darating na araw na iyon,
wala man ako sa iyong paglingon,
asahan mong buong puso ko't kaluluwa,
Ako'y nakatayo, pumapalakpak at nakasuporta.


Gawa Ni: AK®

0 comments:

Post a Comment

 
;