Mar 2, 2011

- KILIG -

Mukha mong kumakawala sa utak,
Ngiti mong humuhugis sa ulap.
Di maiwasang hindi ka maisip,
Bawat saglit ay ikaw ang bukang-bibig.

Amoy mong parang hanging nalalanghap,
Dating palang ay parang buhawi na kay lakas.
Sinlamig ng yelong natutunaw sa kilig,
Giniginaw kahit ang araw ay sobrang init.

Anu bang meron ka at ako'y napapatulala,
Parang may kung anung gayumang di malaman kung san nagmula.
Titig mo'y nakakapanghina na sa hiya,
O kaya'y bati mo pa lang, puso'y napapalundag na sa tuwa.

Ngunit bakit paminsan minsan lang kita nakikita,
Sinasadya mo lang ba yan para mamiss kta.
Para ka kasing kabuteng sumusulpot na lng bigla,
Tapos sa isang idlap, bigla ding nawawala.


Gawa Ni: AK®
03-01-11

0 comments:

Post a Comment

 
;