Mar 14, 2011

- RIP -

Naglulupasay sa isang tabi,
Pilit ginigising ang katabi.
Ngunit ito'y walang kibo't imik,
Di na mabubuhay pang muli.

Luha'y bumubuhos,
kasing bilis ng ilog na umaagos.
Di malaman anung dahilan,
Nagmamakaawang tanong sa kalangitan.

Walang sagot na narinig,
Kailanman hindi na magbabalik.
Kasama na siya ng Panginoon,
Ang nagbigay sa atin ng buhay ngayon.

Sobrang sakit lang na tanggapin,
Maging masaya'y kay hirap gawin.
Tadhanang nakalaan sa atin,
Hindi malaman kung kailan darating.

Ikaw ay mananatili sa puso't isip,
May luha man sa matang di mapawi.
Huling sulyap ko ay ngingiti,
Dahil sa dulo ng paraiso ay magkikitang MULI.


Gawa Ni: AK®
03-14-11

0 comments:

Post a Comment

 
;