Mar 31, 2011

- TAKOT -

Pwede ko bang masilip,
Mga natitirang araw dito sa daigdig.
Nais ko lang malaman,
Mga mangyayari kinabukasan.

Gusto ko lang maging handa,
kung sakali na ako'y mawala,
magawa lahat ng gusto,
malibo't ang buong mundo.

Pwede kaya yun?
Pagbibigyan kaya ako ng Panginoon?
Seryosong hiling naman,
walang halong biruan.

Paano kung tanungin ako ng bakit?
Paano ko siya sasagutin?
Pwede bang, trip ko lang?
Ba ka bigla akong masapak.

Siguro takot lang ako.
Dati sabi ko, handa na ako.
Anu man mangyari ay tanggap ko.
Diyos lang ang may hawak ng sagot.

Ngunit ngayon pa lang nagiging masaya.
Nagagawa mga bagay na dati sa utak lang.
Ayaw kong matapos ito bigla,
mawala ng parang bula.




Gawa Ni: AK®
03-23-11

0 comments:

Post a Comment

 
;