Feb 8, 2011

- Sana -

Pilit na pinipikit ang mata,
inaalala ang hugis ng iyong mukha,
na unti-unting nabubura,
sa utak kong ikaw lang ang nais makita.

Kay damot naman ng panahon,
isang beses lang di pa maipagkaloob,
malaman lang pangalan mo, ok na ako,
sa puso kong nag-aantay ng isang milagro.

Hiling ko'y kahit isang araw lang,
O kaya'y minuto o kahit segundo lamang,
makita kang muli at aking makilala,
O kahit phone number lang, pwede na.



Gawa Ni: AK®
02-08-11
*knina toh habang nsa jeepney ako,ehehehe..

0 comments:

Post a Comment

 
;