Jan 24, 2013

- Matauhan Ka Na -


Harap-harapang isinasantabi,
Mali ay ipinagmamalaki,
Hindi inisip ang pinagmulan,
Taas noo pa kung magyabang.

Buhay ay napariwara,
Isinisisi agad sa may likha,
Eh wala ka ngang sinasanto,
Puro sakit ang idinulot mo.

Sana naman ika'y mahiya,
Sa Diyos na laging umuunawa,
Lagi na lang nangbibintang,
Kabutihan ang nais niyang ipaalam.

Kailan ka pa matatauhan,
Kung ikaw na'y hahatulan,
Ngayon palang mag-isip na,
Para sarili mo'y masalba.


Gawa Ni: AK®

0 comments:

Post a Comment

 
;