May 2, 2012

- Dilim at Liwanag -

Bakit kay hirap simulan,
pagbabagong di alam ang paraan,
pilit bumabalik ang nakaraan,
hinihila't ayaw pakawalan.

Utak ko'y ang gulo-gulo,
parang daan na andilim ng dulo,
kakaliwa ba, kakanan o dederetso,
minsan pa'y paliko-liko.

Pero biglang nagliwanag,
sinag ay di ko maharap,
matang kay hirap bumuka,
wari'y iniiwasan ka.

Ngunit kamay mo'y nilalapit,
bungad pa'y maaliwalas na ngiti,
suot mo ay kay puti,
di matatawaran ang iyong linis.

Hindi ko alam ang gagawin,
bakit sayo'y hirap tumingin,
kahit nakatikom pa aking bibig,
kasalanan ko'y di maikubli.

Isipan ko'y biglang nagising,
palingon-lingon pa ako sa paligid,
nakadapa na pala sa gilid,
di matandaan ang mga sandali.

Damdamin ko'y guminhawa,
sobrang gaan ng nadarama,
natahimik at nagtataka,
pagkatapos lahat ay naalala.

Susubukang bumangon,
mangangapa at tatayo.
hindi dito matatapos,
hinding hindi hihinto.

Sasandal ako ulit,
sayo'y pilit na kakapit,
alam kong andyan ka lagi,
parati nasa aking tabi.

Kung dati hirap magsalita,
minsan pa nga'y nahihiya,
dati kasi kulang sa tiwala,
akala ko'y binabalewala.

Pero laking pasasalamat ko,
isang araw ako'y minulat mo,
mga taong ginawa mong instrumento,
mas makilala ka't mapalapit sayo.

Ramdam ko na ika'y nariyan,
hindi ko makita,
hindi ko man mahawakan,
pero ika'y mararamdaman.

Kahit anung problema,
asahang may kasangga,
Panginoong mapagpala,
anumang oras tutulungan ka.

Magdasal ng mataimtim,
siguradong maririnig,
pabulong man iyong tinig,
aabot iyong panalangin.

Dahil sinlakas ito ng kulog,
alam niya agad hiling mo.
basta't galing sa puso,
ito'y kanyang ipagkakaloob.


Gawa Ni: AK®

0 comments:

Post a Comment

 
;